there’s shit in the meat…
…eto siguro ang bersyon ng mga kritiko ng fast food industry ng slogan na “there’s blood in your coffee.”
Bukod sa literal na pakahulugan ng “shit,” higit na nakaririmarim ang ibang napalalaman sa mga sandwich bukod sa hamburger patties. Illegal migrants, unfair labor practices, sexual harassment, corporate accountability, improper nutrition at iba pa ay ilan lamang sa mga isyung tinalakay ng pelikulang Fast Food Nation ni Richard Linklater. Naging katuwang ni Linklater sa proyektong ito si Eric Schlosser, ang sumulat ng librong Fast Food Nation: The Dark Side of the All-American Meal.
Maraming nag-aakusa na dahil fictionalized ang pelikula, nalalabusaw daw ang talim at talas nang libro ni Schlosser. Pero hindi naman naging ganito ang tingin ko. Sa tingin ko, nabigyan ng pelikula (oopppsss, wala palang point of comparison kasi di ko pa nababasa ang libro) ng human (at animal) face ang mga isyung inilantad ni Schlosser sa libro.
Naging malinaw sa akin kung bakit big deal ang usapin ng fast food industry hindi lang sa US, maging sa mga third world countries tulad ng Pilipinas. Ang industriyang ito, tulad ng iba pang industriya, ay manipestasyon ng krisis ng global capitalism. Tulad ng iba pang basic necessities ng tao, kapag nilangkapan ng kapitalismo at konsumerismo ang pagkain, higit itong nakasasama sa human race kaysa nakatutulong ito.
Isa pang bagay na na nagustuhan ko sa pelikula ay ang recurring theme ni Linklater na suburban life. Tampok sa pelikula niyang subUrbia ang pagusbong ng komersyo sa suburban communities sa porma ng mga mall (parang marikina ito ah!) at fast food chain habang napag-iiwanan ang kalagayan mga mismong mamamayan ng komunidad. Ipinakikita ni Linklater ang animo’y “trapped” o walang patutunguhang mga buhay ng mga kabataan sa suburbia. Ito ang kakatwa sa isang “borderless world” at may ilusyon ng mobility dahil sa na rin sa pag-unlad ng teknolohiya. Mukhang usapin pa rin ng FOP (forces of production) at ROP (relations of production) ang kahahantungan ng usaping ito.
Ngayon lang din ako nakapanood ng isang mainstream na pelikula na may call to action. Pinakita rin nito ang tila defeatism sa disorganisadong mga aksyon sa pagsusulong ng adbokasya. Bahagya ring pinahagingan ng pagkutya ng pelikula ang Patriot Act bilang represibo at di makatuwirang batas.
Isa rin sa kinatuwa ko sa pelikula ay ang pagtatahi ng isyu ng human rights at animal rights. Madalas kasing pagbanggain ang mga isyung ito. Pero ang malinaw ay sa age ng late capitalism, dispensable ang rights ninuman, hayop man o tao, para sa ganansya at tubo.
Tama nga ang catchphrase ng pelikula, “the truth is hard to swallow.”
