Archive for May, 2005

Ngayon lang ako muling makakapagsulat

May 5, 2005

Natakot akong paslangin
ang sariling anino, may takot

at kaba sa pagbitaw ng bawat

salita, di natutunaw

ang sariling salita

paulit-ulit man itong kainin.

di maihahain

sa pamilyang
tinitipid ang bawat butil

ng kanin. ngunit di magsisimula

kung di makakapagsalita

di maihahakbang kung puno
ng alinlangang

walang basehan.

Natuklap ang dingding ng aking kuwarto nung isang taon

May 2, 2005

kay Lukas Lazaro

natuklap ang dingding ng aking kuwarto
nung isang taon

kasabay niya akong nahubdan

iginuhit ko sa kaniyang dibdib
ang pagtibok ng aking puso
isinulat ng aking mga daliri
sa lawak ng kanyang saklaw
ang aking mga panaginip gabi-gabi

ibinulong ko sa kinutkot kong butas
ang mga sugat kong nagnaknak
madalas niyang patuyuin [...]